ni Tabs L. (sa okasyon ng Las Vegas reunion noong Hulyo 2007)
Sa kamag-aral kong Au
Malugod akong nagpapasalamat
Sa pag-aanyaya mo sa aming lahat.
Nung una, nagdadalawang-isip ako
Sisipot ba ako o di na lang dadalo?
Mabuti na lang isip ko’y nagbago
At ang kahalagahan ng okasyon ay aking napagtanto
Kung kaya’t sa kahulihan, nakipagkita ako sa inyo
Sa lahat ng pumunta
Isa lang ang di ko nakilala
Sa unang tingin, tanong ko sa sarili
Asawa ba ito ng isang kaklase?
Habang sya’y papalapit, ako’y nag-isip muli
Si Lito Bau ba ito? Pero mukhang hindi!
Nang kami ay magkaharap, tanong nya sa ki’y ganito:
“Tabs, Kilala mo pa ba ako?”
Nakow! Sa wakas, nabosesan ko!
‘Alanghiya, si Arnel pala ito!!!
Kung ang presensya ni Martin
Ang nagpa-seryoso sa usapin
Heto namang si Jun Quion
Kung anu-ano ang mga tanong
Sa namamanghang Fr Arvee itinapon
Halimbawa: “Father, ang PO meds ba ay masama sa ispiritwal na kalusugan
O labag ba ito sa batas ng Diyos?”
(To Jun Q: tama ba ang medical translation ko sa makamundo mong tanong?
(To classmates: pinaganda ko lang po ang tunog ng tanong ni Jun. Censored po kasi.
Me iba pa sana akong isalaysay sa inyo
Na naganap sa pagtitipon na ito
Subalit me gagawin pa ako
At ang isip ko’y ayaw na ring tumakbo
Kaya hanggang dito na lang muna ito.
Sana inyong naibigan bagamat bitin
Itong ilang kwento tungkol sa Vegas 13.
LINKS:
For more Vegas 2007 pictures, see Recent Classmate Pictures page

thanks malu for doing this!.. nakakalungkot kasi ang ating yahoogroups!
anyhoo, let’s see how the blog works out.. can i suggest a section where one can put which convention they are going -when and where, so if people know they are going to the same meeting, they can all get together..
also, what are the plans for the 2009 jubilee year? we are definitely going back to the phils in july 2009 for my parents’ 50th, and i was hoping makatapat sa whatever happenings are going on…
salamat uli!
Mabuhay ka Pinsan! Beautiful blog. I’ll send you pictures of our reunions. Thanks for doing this for our class.
Mabuhay ang Class ‘89! Thanks for commenting Martin and looking forward to your pix, DA